FEATURED SITE
Official Website of the Provincial Goverment of Bulacan
CONTACT US
PHONE:
044-791-3048

TELEFAX:

044-791-3048

EMAIL:

bpc@bulacan.gov.ph
bulpolycol@gmail.com
bulpolycol@yahoo.com
EVENTS
What
:
BPC 3rd Alumni Homecoming
When
:
Friday, March 20, 2009
Detail
:

Posted by: Ms. Bhelle S. Fajardo

What
:
BPC Teacher's DAY...
When
:
Friday, February 13, 2009
Detail
:


Posted by: dayana

What
:
Teachers Day
When
:
Friday, February 13, 2009
Detail
:

Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket

What
:
ASSESMENT
When
:
Thursday, February 5, 2009
Detail
:


Posted by: Sir ToL

What
:
TESDA Trade Test at BPC
When
:
Thursday, February 5, 2009
Detail
:
TESDA TRADE TEST
rafongi
What
:
Provincial Skill 2009 Com...
When
:
Thursday, February 5, 2009
Detail
:
BPC, Humakot ng Parangal sa 2009 Provincial Skills Competition

Ika-23 ng Pebrero, isinagawa ang taunang Provincial Skills Competition na ginanap sa Hiyas ng Bulakan Convention Center, Capitol Compound, City of Malolos, Bulacan. Ang tema ng naturang kompetisyon ay ang pagpapakita ng husay at talino, tatak ng bagong manggagawang BULAKENYO! Ang kompetisyong ito ay pinamunuan ng TESDA Bulacan sa pakikipagtulungan ng Bulacan Manpower and Skills Development Foundation, Inc. (BMSDFI); Provincial Youth Development Council (PYDC) at Bulacan Association of Technical Schools (BATS).

Ang PSC ay nagkaroon ng ten (10) competition trade areas kung saan ito ay nahati sa dalawang kategorya ang Youth category para sa mga edad 16-24 at ang open category naman ay para sa mga edad 25-pataas kung saan naglagablab ang buong Hiyas ng Bulakan Convention Center sa init ng labanan sa pagitan ng ibaâ??t ibang kalahok na kolehiyo.

Isang karangalang maiuwi ni Jester Estidola ang titulong kampyon ng mga Barista ng makuha niya ang ika unang pwesto sa Youth Bartending Competition na kung saan si Bb.. Anne Santos ang Deparment Head ng HRS ang kanyang tagapayo at isinukbit naman ni Kenneth Bautista ang ikalawang pwesto sa parehong trade area na kung saan si Bb. Sharon Rose Suba naman ang kanyang taga payo.

Ibinulsa naman ni John Kenedy Madulid ng BPC Obando Campus ang ikalawang pwesto sa Flower Arrangement competition na kung saan si Gng. Jesusa Samonte ang kaniyang gurong tagapayo. Gayun din,inuwi ni Rosalyn Villena ng BPC San Miguel Campus ang gintong medalya sa Commercial cooking competition na kung saan tuwang-tuwang isinabit ng kanyang tagapayo na si Gng. Teresita Pangilinan ang medalyang natamo.

Sa dami ng lumahok sa paligsahang ito, mababakas mo sa kanilang mga mukha ang pagkasabik na malaman ang resulta ng mga hurado sa mga nasabing patimpalak. Marami sa mga nagsilahok ang umuwing may magandang ngiti sa kanilang mga labi at ang iba naman ay hindi pinalad na magwagi. Wika nga ni Dir. Yolanda Olano ng TESDA III Regional Director, â??You give your BEST, but your BEST is not enough.

posted by: dhyowee

What
:
Alculympics:Cheerdance
When
:
Monday, February 2, 2009
Detail
:

Cheerdance


Ang unang kompetisyon na binuksan ng Association of Local College and Universities sa unang araw nitong Cheerdance Competisyon. 10 pamantasan ang naglaban-laban para makamit ang inaasam-asam na tropeyo. Ngunit sa huli tatlong paaralan ang nangibabaw. Ang Urdaneta City Univesity ang nakakauha ng pangatlong pwesto, ang Bago City College na hindi nagpahuli ay umupo sa ikalawang pwesto, at ang kampeyon na na nangibabaw agn ang galing sa entablado ay ang University of Makati. Sa sari-sariling pawis, ang lahat ng paaralan ay nagpakita ng ibat-ibang galing, ngunit alam nating sa isang kompetisyon, talagang may dapat manalo at mag-uwi ng tropeyo.

Posted by Monski

What
:
Alculympics: Arnis - 2nd
When
:
Monday, February 2, 2009
Detail
:

Arnis Competition


Dalawang araw na pakikipaglaban ang hinarap ng mga arnisador na sumabak sa kompetisyon sa nakaraang ALCU Olympics. Ibat-ibang kategorya ang kanilang sinalihan,. Ito ay ang mga solo baston, boble baston at ispada ridada at ng sumunod na araw ay ang aktuwal na pakikipagtuos o yung sparring. Hinati ang kompitisyon sa dalawang dibisyon ito ay ang pang babae at lalake ang Bulacan Polytechnic College na nakilahok ay umani ng 36 na medalya, sa kabuuan pumapangalawa sila sa kompetisyon na sinundan naman ng Baguio City College, at ang kampyon ay nagmula sa lungsod ng Valenzuela na Pamantasan ng lunsod ng Valenzuela.

Posted by: Monski

What
:
Alculympics:Basketball Men
When
:
Tuesday, January 20, 2009
Detail
:

GreenAntz,

Ika-20 ng Enero, ikalawang araw ng pagdiriwang ng Association of Local Colleges and Universities (ALCU) event, ay sinimulan ang pinaka-aabangan na palaro ng labing dalawang kolehiyo at unibersidad na kinabibilingan ng San Mateo, Manila, Valenzuela, Marikina, Makati, Muntinlupa, Urdaneta, Quirino, Laguna, Quezon, Meycauyan, at Bulacan na umabaot hanggang ika-24 ng Enero.

Sa unang laro ay nagpamalas agad ng angking galing ang San Mateo laban sa Manila sa puntos na 53-63, Valenzuela laban sa 50-91, Makati at Muntinlupa 35-51, Urdaneta at Quirino 79-48, Laguna at Quezon 33-46 at BPC laban sa Meycauyan 80-76.

Sa ikalawang paghaharap bumawi naman ang Quirino sa San Mateo sa iskor na 65-62 gayundin ang Makati laban sa Laguna 77-39. Pinatunayan naman ng Bulacan Polytechnic College (BPC) ang kanilang pagkapanalo laban sa Mandaue sa puntos na 86-30 gayundin ang Manila laban sa Urdaneta 79-67, Quezon laban sa Muntinlupa 60-88 at ang Meycauyan laban sa Valenzuela sa iskor na 58-55.

Sa ikatlong pagtutunggali ay binanatan ng Quezon ang Meycauyan sa iskor na 63-58. Nakapuntos naman ang Mandaue at Makati sa iskor na 27-75, Urdaneta at Qurino 98-79, Muntinlupa at Manila 72-61. Samantala nabigo ang BPC laban sa Marikina sa iskor na 67-79.

Sinundan naman ng pagkapanalo ng Manila laban sa Quezon sa iskor na 74-68, pinatunayan muli sa pangalawang pagkakataon ng BPC ang kanilang pagkakapanalo sa Urdaneta sa putos na 61-57 gayundin ang Muntinlupa at Marikina 83-70, Marikina laban sa Makati 71-54. Ngunit natalo muli ang BPC laban naman sa Manila sa puntos na 54-51.

Sa huli, naglaban ang Marikina at Manila na pinagwagian ng Manila na haharap sa Muntinlupa kung saan nagkampyon ang Muntinlupa. Unang pwesto ang Manila at ikalawa naman ang Marikina. Paul♥

What
:
Alculympics:Volleyball Champ
When
:
Tuesday, January 20, 2009
Detail
:
BPC Nagpasiklab sa Volleyball ng ALCU
Reizhel Carillo

Nagpamalas ng galing ang volleyball men and women ng Bulacan Polytechnic College (BPC) ng masungkit nila ang Kampeyonato sa Association of Local Colleges and Universities (ALCU) na ginanap noong Enero 20-23 2009.

Ito ay nilahukan ng ilang paaralan mula sa Laguna, Urdaneta, Manila, Quezon, Cabuyao, Olongapo, Meycuayan, Valenzuela, Marikina, Bulacan, Quirino na nagtagisan ng lakas sa simula pa lamang ng kompetisyon. Nagharap sa finals ng volleyball womenâ??s division ang Bulacan Polytechnic College (BPC) ng Bulacan at Urdaneta City University (UCU) ng Urdaneta upang makamit ang championship na pinagtagumpayan ng BPC sa iskor na 25, 25 ,25 laban sa 19, 19, 8 ng UCU. Samantalang nagharap naman sa finals ng menâ??s division ang Bulacan Polytechnic College (BPC) para sa Bulacan at Pamantasang Lungsod ng Marikina (PLMar) ng Marikina ng pinagtagumpayan muli ng BPC sa iskor na 25,25,23,25 laban sa 10,21,25,19 ng PLMar.

Sa huli nanatili pa rin ang pagpapairal ng sportsmanship sa bawat isang lumahok sa naturang kompetisyon.

Paul♥

Records [ 1|2|3|4|5|6|7|8|9|10|11|12 ]
   
Copyright © 2004
Web Development Division,
Provincial Information Technology Office - PITO,
Provincial Government of Bulacan.
All rights reserved.