Home General Info Business Tourism Government Cities & Municipalities
GINTONG KABATAAN AWARDS 2012

Ano ang Gintong Kabataan Awards?

Ang Gintong Kabataan Awards (GKA) ay ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga Kabataang Bulakenyo na may angking “K” – kahusayan at kakayahan.

Ang parangal na ito ay itinataguyod sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office (PYSEACTO).

Ang GKA ay patuloy na umiinog sa buhay ng kabataang Bulakenyo. Ang mga natatanging kabataang naitanghal ay nagsilbing huwaran ng ibang kabataan. At dahil dito, patuloy na kinikilala sa buong bansa pati na rin sa buong mundo ang mga kabataang Bulakenyong may angking husay at talino.

MGA KATEGORYA

  • Gintong Kabataan sa Kagalingang Pang-akademiya at Agham
    • High School Level
    • College Level
  • Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura (Indibidwal at Grupo)
  • Gintong Kabataang Entreprenyur
  • Gintong Kabataan sa Larangan ng Paglilingkod sa Pamayanan (Indibidwal at Grupo)
  • Gintong Kabataang Manggagawa
    • Professional Worker
    • Skilled Worker
  • Gintong Kabataan sa Larangan ng Isports (Indibidwal at Grupo)
  • Gintong Kabataang SK Officials (SK Federation President at SK Council)
  • Gintong Kabataang Bayani

MGA KWALIPIKASYON

  • Ipinanganak, may dugong Bulakenyo o naninirahan sa Bulacan sa nakaraang tatlong (3) taon.
  • Lalaki o babae, may-asawa o wala, may edad na 15-30 taon.
  • Para sa Gintong Kabataang Entreprenyur (Edad hanggang 35 taon)
  • Para sa Gintong Kabataang Manggagawa (Professional Worker):
    • Edad hanggang 35 taon
    • Nagtapos ng kolehiyo (4 na taon pataas)
    • Professional Licensure Examination passer
    • Kasalukuyang may hanapbuhay sa linya ng kanyang propesyong pinagtapusan
  • Ang mga dating Gintong Kabataang Awardee ay hindi na maaaring lumahok sa katulad na kategorya

MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO

  • Entry Form na kumpletong nasagutan.
  • Personal Data Sheet na may lagda at kasamang litratong 2x2 (2 piraso).
  • Mga katibayan (duplicate copies, certified xerox copies, etc.).
  • Certified copy ng sedula (para sa edad 18 taon pataas).
  • Sertipikasyon mula sa kapitan ng barangay na magpapatunay ng kanyang paninirahan (para sa may edad 17 pababa).
  • Sertipiko ng Good Moral Character mula sa School Principal ng kanyang paaralan (para sa mag-aaral) / Sertipikasyon mula sa kapitan ng barangay o City/Municipal Social Welfare and Development Office (para sa mga out-of-school youth).
  • Birth Certificate (NSO Certified Copy)

IBA PANG DETALYE

  • Maaaring ipasa ang aplikasyon sa tanggapan ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office (PYSEACTO) sa Gusaling Gat Blas F. Ople, Capitol Compound, Lungsod ng Malolos, Bulacan
  • Ang huling araw ng pagsusumite ng nominasyon ay sa ika-6 ng Agosto, 2012
  • Ang Araw ng Pagkilala ay gaganapin sa ika-4 ng Oktubre, 2012
  • Para sa karagdagang detalye at mga katanungan, makipag-ugnayan sa tanggapan ng PYSEACTO (044) 791-6604

Download Entry Form here
© 2007 Provincial Government of Bulacan, Philippines. Developed by the Provincial Information Technology Office.
Experience Bulacan