Home General Info Business Tourism Government Cities & Municipalities
Provincial Social Welfare And Development Office

MENSAHE NG PINUNO NG PSWDO

      Kalusugan; edukasyon; kalikasan at kapaligiran; mapanagutang pamamahala; kabuhayan; katiwasayan at kaayusan; kasaysayan at kultura ... Ito ang Pitong Punto na pangunahing tuon ng Pamahalaang Panlalawigan. Malaki ang gampanin ng aming tanggapan sa pagsasakatuparan ng mga ito sapagkat karamihan dito ay kaugnay ng kagalingang panlipunan.

      Ang Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ang siyang naghahatid ng mga programang tutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan mula sa kapanganakan hanggang sa huling yugto ng buhay. Nakapaloob dito ang Nutrition and Population Program na siyang tumutugon sa tamang pagbubuo at pagpapalaki ng pamilya at mga bata; patuloy ang pagsubaybay sa edukasyon ng mga ito sa pamamagitan ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at Day Care Centers. Nariyan naman ang tulong pinansyal para sa mga mahihirap. Subalit nais nating hindi manatili sa kahirapan ang mamamayan kaya’t upang mabigyan ng magandang kabuhayan ang bawat pamilya ay nagkakaloob din ang tanggapan ng Self-Employment Assistance (SEA) para sa mga nagnanais magkaroon ng maliit na pagkakakitaan. Kasama sa pangangailangang pampamily ang kaligtasan ng bawat miyembro nito kaya’t ang tanggapan ay kumakalinga rin sa pangangailangan ng mga biktima ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng Women Center at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang institusyong kumakalinga sa mga batang naaabuso at naulila. Nakasisiguro rin ang ating mga kalalawigang mag-isang nagtataguyod sa pamilya na kaagapay nila ang pamahalaan sa pamamagitan ng Solo Parent Program. Patuloy ang pagsubaybay ng pamahalaan hanggang sa ating katandaan sa pamamagitan ng Senior Citizens Program upang bigyang kasiyahan at kaluwagan ang buhay ng mga taong nag-ambag sa lipunan noong kanilang kalakasan pa. Hindi rin tumitigil ang pagbibigay serbisyo sa panahon ng kalamidad na ipinaaabot sa pamamagitan ng Relief Operation Program. Hanggang sa huli ay naririto kami upang maging kaagapay ng bawat pamilyang namatayan sa pamamagitan ng Burial Assistance Program.

      Dahil sa iba-iba ang kalagayan ng mamamayang Bulakenyo na mayroong iba’t ibang katugunan, ang aming tanggapan ay mayroon ding programa para abutin ang mga espesyal nilang pangangailangan. Nariyan ang programa para sa mga Informal Settlers, Persons with Disability (PWD), TODA, Dumagat at Muslim Affairs.

      Ang lahat ng programang ito ay nagiging matagumpay dahil sa patuloy na pagtutulungan, pagkakaisa, matapat at masigasig na paglilingkod ng mga kawani ng ating tanggapan; pagsuporta at pagsusumikap ng Punong Lalawigan at Pangalawang Punong Lalawigan na magkaroon ng tamang desisyon para sa ikabubuti ng pamayanan; at paggabay ng ating Panginoon sa bawat gawaing ating isinusulong. Sa ating sama-samang pagkilos, makatitiyak tayong matutugunan natin ang pangangailangan ng mga Bulakenyo sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng Pamahalaang Panlalawigan. Kasabay ang pangarap na maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat isa, maipapadama natin ang ating pagkalinga sa buhay ng bawat pamilyang Bulakenyo.

ROWENA J. TIONGSON
Pinuno ng Tanggapan  

* * * * * * * * * *

 

VISION:

      Isang lalawigang may mamamayang may malulusog na pangangatawan at kaisipan, responsableng nakatutugon sa sariling pangangailangan, at may mataas na pagpapahalaga sa kapwa at sarili.

 

MISSION:

  1. Makabuo ng mga panukalang pangkagalingang panlipunan at pagpapaunlad na isasabatas ng Sanguniang Panlalawigan.
  2. Patuloy na bumuo ng mga programa at epektibong pamamaraang tutugon sa pangkagalingang panlipunan.
  3. Patuloy na pagsasagawa ng pagsasanay na huhubog sa iba’t-ibang antas ng mamamayan tungo sa mahusay na pamamahala sa sarili.
  4. Pagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga kakayahan ng iba’t-ibang sektor sa lalawigan.
  5. Matugunan sa madaling panahon ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad, karahasan at mga kapuspalad.
  6. Mabigyan ng oportunidad na maging produktibo sa pamayanan ang mga nakatatanda, may kapansanan, solo parent, dumagat at informal settlers.
  7. Pagpapalakas sa sektor ng kababaihan sa pamayanan at kabuhayan.
  8. Umagapay sa pagbibigay proteksyon sa mga miyembro ng pamilya laban sa karahasan at pang-aabuso.
  9. Pagpapalakas sa kakayahan ng mga bata.

 

MANDATES:

  1. Formulate measures for the approval of the Sanggunian and provide technical assistance and support to the governor and mayor, as the case may be, in carrying out measures to ensure the delivery of basic services and provision of adequate facilities relative to social welfare and development services.
  2. Develop plans and strategies on social welfare programs and projects and implement them upon approval thereof by the governor.
  3. Identify the basic needs of the needy, the disadvantaged and the impoverished and develop and implement approproate measures to alleviate their problems and improve their living conditions.
  4. Provide relief and appropriate crisis intervention for victims of abuse and exploitation and recommend appropriate measures to defer further abuse and exploitation.
  5. Assist the governor in implementing the barangay program for total development and protection of children up to six (6) years of age.
  6. Facilitate the implementation of welfare programs for the disable, elderly, and victims of drug addiction, the rehabilitation of prisoners and parolees, the prevention of juvenile delinquency and such other activities which would eliminate or minimize the ill-effects of poverty.
  7. Initiate and support youth welfare programs that will enhance the role of the youth in nation building.
  8. Coordinate with government agencies and NGOs which have for their purpose the promotion and protection of all needy, disadvantaged, underprivileged or impoverished groups or individuals, particularly those identified to be vulnerable and high risk of exploitation, abuse and neglect.
  9. Be in the frontline of service delivery, particularly those concerning immediate relief and assistance during and in the aftermath of man-made and natural disaster and calamities.
  10. Recommend to the Sanggunian and advise the governor on all matters related to social welfare and development services which will improve the livelihood and living conditions of the inhabitants.
  11. Exercise such other powers and perform such other duties and functions as may be prescribed by law or ordinances.

 

FUNCTIONS:

  • Develops and implements a comprehensive provincial social welfare and development program
  • Develops, installs, and causes the implementation of an efficient, effective system of administering, managing, monitoring, and evaluating social welfare and development services provision including appropriate measures, programs, and projects
  • Develops, implements or causes the efficient and effective implementation of measures, programs or projects aimed at alleviating poverty and/or minimizing its ill-effects on the disadvantage, the disabled, the elderly, and such other marginalized, disadvantage, underprivileged or impoverished individuals or groups in the province
  • Provides assistance in the implementation of programs for the total development and protection of children up to six (6) years of age
  • Develops, installs, and maintains an information system on social welfare and development programs and projects
  • Coordinates and links with government agencies and other non-government organizations in promoting social welfare and development in the province

 

PROGRAMS AND SERVICES:

      Para sa Mahihirap

  • Point of Care sa mga pampublikong pagamutan sa Bulacan
  • Burial Assistance
  • Financial Assistance
  • Medical Assistance

      Para sa mga May Kapansanan

  • Pagbuo ng Pambayang Kapisanan ng mga May Kapansanan
  • Pamamahagi ng wheelchairs at iba pang assistive devices
  • Abilympics/Paralympics

      Para sa Kabataan

  • Early Childhood Care and Development
  • Cross Road Seminar
  • Children’s Congress
  • Food Supplementation
  • Child Labor

      Para sa Kababaihan at Pamilya

  • Gender and Development
  • Epektibong Pagmamagulang
  • Self-Employment Assistance
  • Sa Iyong Pag-iisa May Kaagapay Ka (Women Inmates)
  • Repro-Health at pagsasanay sa Nutrisyon para sa mga magiging mag-asawa
  • Tulong para sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso
  • Pagkilala sa mga natatanging kababaihan at samahang pangkababaihan
  • Pabasa sa Nutrisyon

      Para sa mga Senior Citizen

  • Tulong teknikal sa mga pagpupulong at pagsasanay
  • Lakbay Saya
  • Pagdiriwang ng Linggo ng Katandaan
  • Pagbibigay ng bakuna laban sa Pneumonia at Flu
  • Pagbibigay ng mga assistive devices

      Para sa mga Biktima ng Kalamidad/Sakuna

  • Relief operation
  • Pamamahagi ng housing materials
  • Stress Debriefing

      Para sa mga NGO Volunteers

  • Leadership Training
  • Capability Building
  • Pamamahagi ng uniforms, bags at IDs

      Iba pang Serbisyo

  • Pabahay at livelihood para sa mga informal settlers
  • Counseling para sa mga biktima ng pang-aabuso
  • Counseling para sa mga youth offenders sa Tanglaw Pag-Asa
  • Referral sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, institusyon at samahan
  • Paghahanda ng Case Study
  • Tulong teknikal para sa pagpapatupad ng mga programa sa pamahalaang bayan at iba’t ibang sektor ng lipunan
  • Relief assistance
  • Training facilitation
  • Pagpo-proseso ng tulong pinansyal

 

ACHIEVEMENTS:

Pangkalahatang Programa

  • One of Region III’s Top 3 Performing Local Social Welfare and Development Office in Implementation of Social Protection Programs and Services 2012 (DSWD Region III)
  • 2nd Rank Over-All Program Implementation 2011 (DSWD Region III)
  • 1st LGU in the Region and National Level to have 100% Organization of Pag-asa Youth Association in all Barangays 2008 (DSWD Regio III)
  • Most Outstanding Provincial Social Welfare and Development Officer of the Philippines 2003 and 2006 (Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc.)

Larangan ng Nutrisyon

  • Outstanding Provincial Nutrition Action Officer 2013
  • Outstanding Regional Lingkod Lingap sa Nayon (2002 – 2013)
  • Green Banner Awardee (2001, 2003, 2007, 2008, 2009, 2013)
  • Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition Maintenance Award (1996-1997, 2005-2006, 2011-2012)
  • CROWN Award (1995, 2004, 2010)
  • Outstanding Achievement in Pabasa sa Nutrisyon (2002)

Larangan ng Populasyon

  • Rafael M. Salas Population and Development Regional Award for Best Implementation of Population Management Program 2003 (Commission on Population)
  • Hall of Fame – Outstanding LGU in Region III on Population 2002
  • Hall of Fame – Outstanding Barangay Service Point Officer and Municipal Outreach Worker 2002
  • Outstanding LGU in Region III on Population 2001
  • Rafael M. Salas Population Development Award 2000 – Outstanding Local Government Unit Category
  • Poster Making Contest National Winner (Category IV)

Aspetong Pangkabataan

  • Rank 1 in the Region as Province with the highest number of accredited Daycare Workers in 2013
  • Rank 2 in the Region as Province with the highest number of accredited Daycare Centers in 2013
  • Children’s Congress National Winners 2002 - Maryll Ann Garcia, 1st Place Poem Reciting from Norzagaray - Keccelyn Loren F. Cruz, 2nd place Draw and Tell from Paombong
  • Child Friendly Municipality 2002 National Award- Municipality of Balagtas

Karangalan ng Tanggapan mula sa Pamahalaang Panlalawigan

  • 2nd Place 2009 Best Flavor of the Month – Senior Citizen Program
  • 1st Place 2008 Best Flavor of the Month – Persons with Disability Program
  • 2003-2005 Most Outstanding PSWDO of the Philippines
  • 2nd Place 2000-2001 Bayanihan Award
  • Finalist – Best Flavor of the Month 2001-2002 – Nutrition Program
  • 2nd Place 2000 Best Flavor of the Month – Nutrition Program

 

CONTACT INFORMATION:

Ms. Rowena J. Tiongson
Department Head

Mailing Address:
Provincial Social Welfare and Development Office
1st Floor, Provincial Capitol Building
Malolos City, Bulacan, Philippines 3000

Tel.: +63(44) 791-8133 (Admin)
        +63(44) 791-8134 (Social Services)
        +63(44) 791-8199 (Nutrition)

Email: pswdo@bulacan.gov.ph
            rowena.tiongson@bulacan.gov.ph

© 2007 Provincial Government of Bulacan, Philippines. Developed by the Provincial Information Technology Office.
Experience Bulacan