Mensahe

Isang Bagong PCL (Philippine Councilors’ League) ang humaharap sa mga Bulakenyo sa Paskong ito at sa pumapasok na Bagong Taon.

Sa pamumuno ni Konsehal-Bokal Josef Andrew T. Mendoza ay pinakaaasam ng ating mga kalalawigan ang ibayong pagsigla ng ating mga Sangguniang Bayan tungo sa paglikha ng mga ordinansa at resolusyong tumutugon sa mga pangangailangan ng bayan at mga hamon ng nagbabagong klima at panahon.

Inaasahan kong magiging matibay na suhay ang inyong Liga ng inyu-inyong mga Punong Bayan at iba pang mga pinuno’t kawani ng sangay tagapagpaganap upang sa inyong kooperasyon at pagkakaisa ay makamit ng bawat Bulakenyo ang pinakamimithing tagumpay at kaunlaran.

Ibayong lakas at mabuhay!



WILHELMINO M. SY-ALVARADO
Punong Lalawigan

© Copyright 2012. The Philippine Councilors League Bulacan Chapter Official Website