|
MGA
PANGUNAHING BULAKEÑA
Trinidad
Tecson Y Perez
Tinguriang “Ina ng Biyak na Bato”.
Ipinanganak sa San Miguel, Bulan nuong Nobyembre
18, 1848. Kilala siya bilang isang walang takot
na katipunera. Siya’y lumahok nang buong
giting at tapang sa 12 labanan. Siya’y binigyan
ng ranggong Brigadier General.
Loreto
Lucero
Isang babaing taga Malolo, anak ni Don Antonio
Lucero, naging Kapitan Munisipal nuong 1895 at
Simeona Estrella. May taglay na tapang at lakas
ngloob na ipagsakdalan ang kura Paroko, Padre
Santiago Perez sa “sexual harassment”.
Nanalo si Loreto dahilan para mipaalis ang pari
sa Sta. Isabel at dahilan din upang ang kanyang
amangkapitan ay mabilanggo bilang paghihiganti.
Mariciana
H. Del Pilar
Ulirang kabiyak ni Gat.Marcelo H. del Pilar. Anak
siya ni Don Marcos H. del Pilar, isang mayamang
asendero ng Bulacan. Si Sianang o Chanay ay isang
tahimik at mahiyaing ina ng pitong supling nila
Mareclo: sina Sofia, Jose Maria, Maria Rosario,
Maria Consolacion, Jose Mariano Leon, Maria Concepcion
at Anita. Sa pagtakas ni Marcelo sa España,
siya’y palagi nang minamanmanan, tinatakot,
at pinapalibhas ng mga guwardiya sibil at ng kura
paroko. Wla naman siyang maituring na palagiang
hanap buhay nilang mag-iina ay buhat lamang sa
kinikita ng kanilang bakuran, bukid at pala-isdaan
na inot-inot naming nakamkam ng walang katarungang
dahilan ng mga kalaban ng kaniyang asawa. Ang
kanilang bahay ay sinunog pa ng mga tampalasan.
Maria
Rodrigo
Si Maria Ang pinaniniwalaang siyang iginuhit na
larawan o (La Bulakeña 1895) obra maestro
ni Juan Luna. Siya naglingkod sa brigida ni Hen.
Gregorio del Pilar sa panahon ng Himagsiakng Pilipino
bilang tagapagluto ng pagkain at tagapaghatid
ng liham na kasulatan. Ang pagkasawi ng kanyang
buhay ay isang hiwaga.
Soledad
Airan
Si Bb. Arian ay ipinanganak sa Matungao, Bulacan,
Bulacan noong Disyembre 9, 1889. Ang “small
but terrible”, ang “namimitbit ng
patilya” noong panahon “na grade four
lamang ang natapos ay nakapagtututro na”.
Sa kanya nahubog ang murang kaisipan ng mga maipagmamalaking
anak ng ating bayan simula skina Benigno Ramos,
Manuel Palomares, at Jacinto Manahan. Sinundan
pa nina Rosendo Tansinsin, Sr. Generoso Tanseco,
Francisco Soc Rodrigo, Emilio Mar Antonio, Horacio
Lava at hindi mabilang na mga makat at manunulat
ng bayan at iba pang naging tanyag sa iba’t
ibang laranga ng buhay hanggang sa panahon ni
Atty. Sixto Antonio noong 1941. Hindi lamang sa
larangan ng edukasyon siya palaging bukambibig
ng ating mga kababayan. Isa sa tagapagtatag ng
Bulacan Women’s Club Bulacan Womens League
at nagging unang tagapayo ng Mu Phi Beta, isang
kapisanan ng mga kabataang mayayaman sa bayan.
Si Miss Airan ay tumanggap ng mga papuri at karangal
bilang lider ng Kababaihan sa mga hakbangin panlipunan,
sibika at pang relihiyon sa buong bansa.
Rosa
Sevilla de Alvaro
Si Lola Rosa ay isang makbayang mamamahayag, (1879-1954)
makata, mandudula, autor ngmga aklat ng wika,
guro at edukador. Siya ay tinaguriang “Inang
Wika” Sumapi sa katipunana at nagsilbi bilang
nurse at tagaluto rin ng pagkain.
Concepcion
Felix de Rodriguez
Doña Concha kung siya ay tawagin. Nagtatag
ng Philippine Chapter ng American Red Cross, Feminista
de Filipinas at Gota de Leche. Naging pangulo
ng National Federation of Women’s Club sa
Pilipinas. Ang kanyang pinakamarangal na nagawa
ay ang mahimok ang pamahalaan na mapagtibay ang
isang batas na magbibigay karapatan sa mga kababaihan
na bumoto. Siya rin ang pangunahing nagtatag ng
Catholic Women’s League.
Pura
Santillan –Castrence
Isinilang sa Matungao, Bulacan, Bulacan. Siya
ay isang propesora, iskolar, manunulat-kolumnista,
kritiko sa panulat, diplomata, ministrong tagapayo
sa Bonn, Germany. Naging Ambassdor Extraordianary
at Plenipotentiary sa naturang bansa. Bilang pagkilala
sa kanyang paglilingkod sa ating pamahalaan, siya
ay pinagkalooban ng Tandang Sora Award bilang
unang embahador na Filipina.
Carmen
de Luna
Isinilang sa Sta. Ana, Bulacan. Siya ang ina ng
Centro (Maestrang Mameng) Escolar University,
dating Centro Escolar de Señoritas. Isang
Medalyang Ginto ang iginawad sa kanya nuong ipagdiwang
ang Golden Jubilee of the Philippine Educational
System dahil sa kanyang natatanging kontribusyon
sa pagtuturo.
Maria
Dolores Molina
Ang Maestrang Mestisa (Ina ni Pangulong Manuel
L. Quezon). Si Maria Doloeres Molina, isang guro,
ay isang marilag na mestisang Espanyol na isinilang
sa san Jose, Bulacan. Ang pag-aasawa sa murang
gulang pa lamang at ang maagang pagka balo ang
nagging daan upang siy’y manirahan sa Baler,
Tayabas. Doon niya ipinagpatuloy ang kanyang pagtuturo
sa isang paaralang para lamang sa mga babae. Sa
Baler siya nakatagpo ng isang mangingibig na isang
mestiso rin at isang guro sa paaralang publiko.
Si Lucio Quezon na hindi taal na tagaroon; ipinanganak
siya sa Penafrancia, Paco, Maynila. Kapwa sila
may amang mestiso at iang Filipina. Ang una nilang
supling ay si Manuel na itinakdang magin pangulo
ng bansa at nakilalang Ama Ng Wikang Pambasa.
Si Doña Maria ay binawian ng buhay dahil
sa sakit na tuberculosis.
|