GINTONG KABATAANG
BAYANI

G. EMMANUEL N. ROMANO

Bayan ng Baliuag

Si G. Romano ang mukha sa likod ng sikat na istorya ng isang basurero na nagsauli ng libu-libong pera mula sa basurahan.

Noong Marso 31, 2018, habang siya ay nangongolekta ng mga basura sa isang subdibisyon sa Baliwag, nakahanap siya ng plastic bag na mayroong perang nagkakahalagag Php427,798. Hindi niya itinanggi na sa una ay natukso siya sa malaking halaga ng pera dahil ang kaniyang anak ay may sakit at kailangan ipagawa ang kanilang bahay ngunit sa kabila ng kahirapan sa buhay at hirap sa trabaho, pinili niyang maging tapat at isinauli niya ang pera sa opisina ng barangay.

Kaniyang ipinakita na sa bawat kabutihang ginagawa ay may umaapaw na biyayang babalik. Isang malaking inspirasyon si G. Romano para sa mga kabataan at maging sa mga matatanda. Kapuri-puri ang kanyang ipinakitang katapatan dahil hindi lahat ng tao ay gagawin ang kaniyang ginawa. Namumukod-tangi siyang bayani sa kaniyang ipinamalas na aral. Isang magandang halimbawa ang kwento niya para sa mga kapwa niya Bulakenyo.