GINTONG KABATAAN
SA KAGALINGANG PANG-AKADEMYA AT AGHAM
(Sekondarya)

BB. JANELLE CHERISE G. CORPORAL

Bayan ng Plaridel

Si Bb. Corporal ay kasalukuyang mag-aaral ng St. Francis de Assisi Montessori School sa Grade 9. Siya ay consistent honor student at nakapagkamit ng karangalang "With Highest Honors" nang siya ay magtapos ng Grade 8.

Siya ang kumatawan sa ating bansa sa iba't ibang kumpetisyon gaya ng International Prose Writing Contest sa Massachusetts, USA noong Setyembre 2016 kung saan nakamit niya ang Unang Gantimpala at International Future Achiever Awards sa University of Ottawa, Canada noong Pebrero 2017 kung saan nakamit din niya ang Unang Gantimpala.

Bukod dito itinanghal siyang Most Outstanding Campus Journalist sa Tagaytay City noong Mayo 2018, Unang Gantimpala sa National Schools Press Conference-Feature Writing (English) na ginawa sa Koronadal City noong Enero 2016 at Unang Gantimpala sa National Scholastic, Civic and Creative Challenge Essay Writing Contest sa Tagaytay City noon ding Enero 2016.