Gintong Kabataan
sa Larangan ng Sining at Kultura
Interior Design

G. JESY CHRISTOPHER CRUZ

Bayan ng San Rafael

Si G. Cruz ang kumatawan sa ating bansa at nagkamit ng ikatlong puwesto sa International Design Show na The Apartment Asia: Passion for Design sa bansang Malaysia ngayong taon. Ang nasabing palabas ay nilahukan ng siyam na bansa at ipinalabas sa AXN at Sony Chanel.

Bukod dito, nagkamit na rin si G. Cruz ng maraming karangalan at pagkilala sa kanyang kahusayan sa Interior Design. Ilan sa mga ito ay ang BluPrint Design Competition 5 (Grand Winner for Furniture Design), BluPrint Avid 5 − 5th Annual Visionary Design Competition (Finalist) at PhilConstruct 2013 Estilo de Vida Interior Design Competition (1st Runner-up).

Si G. Cruz ay nagtapos sa University of Asia and the Pacific ng kursong Entrepreneurial Management at sa Philippine School of Interior Design ng kursong Interior Design. Sa kasalukuyan, siya ang design consultant ng MSC Construction --- ang negosyo ng kanyang pamilya sa linya ng konstruksyon. Siya rin ay isa sa mga partner ng Alero Design Studio at nagmamay-ari ng isang hardware store sa Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan.