GINTONG KABATAAN
SA KAGALINGANG PANG-AKADEMYA AT AGHAM
(Kolehiyo)

G. KEVIN U. FACUN

Bayan ng San Ildefonso

Si G. Facun ay nagtapos ng kursong BS Electronics Engineering sa Bulacan State University at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Master of Engineering in Electrical Engineering sa University of the Philippines. Dahil sa kanyang hindi matatawarang dedikasyon sa kanyang pag-aaral at paglilingkod sa kanyang pamayanan, siya ay ginawaran bilang isa sa Ten Outstanding Students of the Philippines noong Abril 23, 2018 na iginawad sa Palasyo ng Malakanyang.

Bukod dito siya rin ay tumanggap na ng iba't ibang karangalan at nanalo sa mga patimpalak gaya ng Globe Future Maker Awards, Philippine Start-up Challenge at Medallion of Excellence in the Field of Campus Journalism. Nakapagkamit din siya ng mga scholarship upang makapag-aral ng Network Engineering sa Huawei University, Beijing at Shenzen, China at Design Thinking sa Singapore Polytechnic.

Hindi rin matatawaran ang husay ng kanyang mga imbensyon gaya ng Milktrack: Digitalization and Establishment of an Enhanced Logistics System for the Operation of Human Milk Banking in the Philippines, Eyescreen: Rapid Early Autism Screening for Toddlers, Hearing Functionality Screening in Infants by Reducing Noise from Auditory Brainstem Response at Long Range Wireless Mesh networking for Smarter Farm Monitoring.