Gintong Kabataan
sa Larangan ng Sining at Kultura
Sining sa Pagganap

BB. MARY JOY APOSTOL

Bayan ng Pulilan

Si Bb. Apostol ay ang lead actress sa pelikulang "Birdshot" na nagbigay sa kanya ng karangalan bilang Best Actress sa The Eddys 2018, Facine: 24th Annual Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California at Vietnamese Film Festival (ASEAN Film Section).

Napagwagian din ng nasabing pelikula ang Best Film sa Tokyo International Festival, Los Angeles Philippine International Film Festival at Facine: 24th Annual Filipino International Cine Festival, Critics Choice sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2017, at naging nominado sa Famas, Gawad Urian at Australian Academy of Cinema and Television Arts.

Ang "Birdshot" ang opisyal na lahok ng ating bansa ngayong taon sa Foreign Language Film Category ng Academy Awards o kilala bilang The Oscars.