Gintong Kabataan Awards

Ang Gintong Kabataan Awards (GKA) ay ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga Kabataang Bulakenyo na may angking "K" - kahusayan at kakayahan.

Ang parangal na ito ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Provincial Youth, Sports and Employment Development Office (PYSEDO).

Ang GKA ay patuloy na umiinog sa buhay ng kabataang Bulakenyo. Ang mga natatanging kabataang naitanghal at nagsilbing huwaran ng ibang kabataan. At dahil dito, patuloy na kinikilala sa buong bansa pati na rin sa buong mundo ang mga kabataang Bulakenyong may angking husay at talino.

Sali Na!

MGA KATEGORYA:

  1. Gintong Kabataan sa Kagalingang Pang-akademya at Agham

    • High School Level
    • College Level
  2. Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura (Indibidwal at Grupo)

  3. Gintong Kabataang Entreprenyur

  4. Gintong Kabataan sa Larangan ng Paglilingkod sa Pamayanan (Indibidwal at Grupo)

  5. Gintong Kabataang Manggagawa

    • Professional Worker
    • Skilled Worker
    • Government Employee
  6. Gintong Kabataan sa Larangan ng Isports(Indibidwal at Grupo)

  7. Gintong Kabataang Bayani