Ang lahat ng nagnanais lumahok ay kinakailangang magsumite sa PHACTO ng registration form na naglalaman ng built heritage na napiling isa-dokumentaryo.
Dalawang lahok lamang sa bawat built heritage ang maaaring tanggapin ng komite (first come, first served basis). At isa lamang sa dalawang ito ang pipiliin ng komite sa preliminary screening.
Sa Mayo 11, 2018(9:00 n.u./Biyernes) ang bawat grupo ay inaasahang malinaw na ilalahad ang documentary proposal para sa napiling built heritage sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation (na naglalaman ng research at treatment) at 30-seconds trailer. Ang grupo ay kakatawanin ng isang miyembro na maaaring director/writer.
Sa araw na ito ay isusumite ng bawat grupo ang kumpletong pananaliksik (inaasahang ang isusumite ay maglalaman ng mga bagong pananaliksik). Ito ay dapat na may kaakibat na sipi (citations/footnotes) sa bawat pangungusap na may mahalagang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng napiling built heritage. Ang footnote ay maglalaman ng datos kung saang aklat, pahayagan, website o kung saan man ito nagmula. Hindi maaaring ang sipi lamang ng mga batis ang isusumite at hindi maaaring internet lamang ang batis.
Gayundin ang bawat isa sa grupo ay magsusumite ng curriculum vitae at sertipikasyon mula as tanggapan ng Punong Bayan/Lungsod na sila ay pawing lehitimong residente ng Lalawigan ng Bulacan.
Sa Mayo 16, 2018 (Miyerkules), ilalahad ng komite sa PHACTO Facebook page ang mga opisyal na lahok (na napili mula sa preliminary screening) para sa SINELIKSIK Bulacan DocuFest 2018.
AWARD | PRIZE |
---|---|
Best Documentary Film | P100,000 |
Best Research | P30,000 |
Best Cinematography | P30,000 |
Special Jury Prize | P20,000 |
Audience Choice Award | P10,000 |
Paalala: Ang pagsusumite ay hanggang ika-5:00 ng hapon lamang at HINDI na tatanggapin ang mga lahok na hindi susunod sa itinakdang oras.